China, nanawagan sa Pilipinas na resolbahin ang agawan sa teritoryo sa pamamagitan ng negosasyon
Nanawagan ang China sa Pilipinas na makipagnegosasyon sa kanila sa pagitan para resolbahin ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang naging tugon ni Foreign Ministry spokesperson Hong Lei sa kanilang daily press briefing matapos ang unang pagpupupulong ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duterte na hindi niya gusto ang magdeklara ng away sa sino man at kanyang ikakatuwa ang pagkakaroon ng mapayang pag-uusap sa pagresobla ang problema.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na gusto ni Duterte na magkaroon ng dayalogo sa China hinggil sa West Philippine Sea para magkaraoon ng “win-win relationship” sa ating bansa.
Ipinahayag ni Hong na ang isyu sa agawan ng teirtoryo ay sa pagitan ng China at Pilipinas. Dagdag pa nito ang sinimulang arbitration ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay invalid at illegal.
Ang nasabing territorial disputes ay mareresolba lang sa pamamagitang bilateral negotiation na nakabase sa pagrespeto sa mga historical facts na naaayon sa international laws ayon kay Hong.
Nauna ng sinabi ng Chinese Foreign Ministry na walang jurisdiction ang Arbitral Tribunal sa kaso at kaya dapat hindi ito dininig.
Ngayong darating na July 12 ilalabas ng tribunal ang kanilang ruling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.