Subpoena kay Pastor Apollo Quiboloy inisyu ni Hontiveros

By Jan Escosio January 23, 2024 - 09:02 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hindi sumipot si Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig sa Senado ukol sa mga alegasyon ng pang-aabuso laban sa kanya sa kabila ng imbitasyon sa kanya.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children and Family Relations, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, dalawang babaeng Ukranian national ang magbigay ng testimoniya ukol sa mga pang-aabusong sekswal na dinanas nila sa nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Davao City.

Dumalo din sa pagdinig ang isang alias Amanda na ibinahagi ang kanyang naging karanasan ni Quiboloy noon siya ay menor-de-edad pa lamang.

Gayundin ang isang alias Jerome na pinilit na mamalimos sa mga lansangan bilang miyembro ng KOJC.

Kinumpirma ng kalihim ng komite na naipadala kay Quiboloy ang imbitasyon upang dumalo ang huli sa pagdinig.

May isang abogado na nagpakilalang kinatawan ng KOJC ang humarap sa komite.

Sa pagdinig, nag-isyu si Hontiveros ng subpoena para humarap na sa komite si Quiboloy para sagutin ang mga alegasyon.

“Hindi po kayo anak ng Diyos na exempt sa awtoridad ng estado,” sabi ng senadora patukoy kay Quiboloy.

TAGS: hontiveros, quiboloy, rape, subpoena, hontiveros, quiboloy, rape, subpoena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.