Speaker Martin Romualdez itinangging may kamay sa PI

By Jan Escosio January 23, 2024 - 07:51 PM

OSMR PHOTO

Sa magkasunod na araw ay mariing itinanggi ni Speaker Martin Romualdez na may kinalaman siya o ang Kamara sa isinusulong na people’s initiative para maamyendahan ang 1987 Constitution.

“The PI stands as a direct expression of the people’s will, providing a means for citizens to propose constitutional amendments. The House does not endorse or sanction direct participation by its members in signature gathering, ensuring the process’s integrity and independence remains intact,” ayon sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni Romualdez.

Kasunod na rin ito nang pagpapahayag ng ilang senador ng kanilang pagkontra sa people’s initiative.

“I vehemently denounce any allegations of bribery or unethical practices in persuading citizens to sign the petition for the [PI]. Such actions, if true, would violate the initiative’s spirit of honest and voluntary participation and erode our democratic foundations,” sabi pa ni Romualdez.

Kahapon, itinanggi na nito na may kinalaman siya o ang pinamumunuan niyang Kongreso sa pangangalap ng mga pirma para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Tiniyak nito na ang anumang panukala ay dadaan sa mga alintuntunin alinsunod sa nakasaad na rin sa Konstitusyon.

 

TAGS: 1987 Constitution, Cha-Cha, Cong Martin Romualdez, House, 1987 Constitution, Cha-Cha, Cong Martin Romualdez, House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.