Digong, No. 1 senatorial bet sa mobile survey

By Jan Escosio January 18, 2024 - 11:29 AM

FILE PHOTO

Nangunguna pa rin si dating Pangulong Duterte sa maaring senatorial candidate para sa 2025 midterm elections, base sa survey ng Tangere ngayon buwan.

Sa resulta ng mobile-based survey noong Enero 10 at 12, pinili si Duterte ng 62 percent ng respondents at umangat pa siya ng higit isang porsiyento kung ikukumpara sa resulta ng katulad na survey noong Disyembre.

Pumangalawa naman sa kanya si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo sa nakuhang 56.96 porsiyento bagamat bumaba ito ng 2.6 porsiyento.

Pumangatlo si dating Senate President  Vicente “Tito” Sotto III (48%), Sen. Christopher “Bong” Go (46.79%), at si dating  Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (45.04%) ang bumuo sa Top 5.

Mula sa ika-anim hanggang ika-10 puwesto sina dating Sen. Manny Pacquiao (43.79%), Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa (42.92%), Sen. Pia Cayetano (40.71%), Sen. Imee Marcos (39.83%), at si Dr. Willie Ong (39.38%).

Sina Sens.Francis Tolentino (ika-11, 38.04%) at Sen. Lito Lapid (ika-12, 35%) ang kumumpleto sa Magic 12.

 

TAGS: senatorial candidates, survey, senatorial candidates, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.