Employment visa sa fake corporations ikinaalarma ni Hontiveros
Labis na ikinabahala ni Sen. Risa Hontiveros ang nabunyag na pagbibigay ng Bureau of Immigration (BI) ng employment visas sa mga pekeng korporasyon na naging daan nang pagpasok sa bansa ng mga banyaga.
“This is a national security risk. Hindi natin alam baka mga sindikato at kriminal na ang mga nakapasok sa bansa. We also have information that these work visas are what foreign nationals use to work for Philippine Offshore Gaming Operators. Sisiyasatin namin ito sa susunod na hearing,” sabi ni Hontiveros.
Mahalaga aniya ang ginawang hakbang ng Department of Justice (DOJ) na huwag nang bigyan ng work visa ang mga pekeng korporasyon.
Una nang inanunsiyo ng DOJ na libo-libong work visa, ang 9G, ang naibigay na sa mga banyaga na sinabing empleado ng mga pekeng lokal na korporasyon.
Dapat din aniya na gumawa ng seryosong hakbang ang kawanihan at hindi limitahan sa paglilinis lamang ng kanilang hanay.
“Mag-aapat na taon na mula noong unang naisiwalat ang pastillas scam sa BI. Why does it seem like nothing has changed? Kailan pa ba tuluyang maaayos ang BI? Ilang Senate hearings pa ang kailangan? It is disappointing that the agency is front and center of this issue once again,” dagdag pa ni Hontiveros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.