Pagpapalaya sa 18 Pinoy seafarers ipapakiusap ng DFA sa Iran

By Jan Escosio January 13, 2024 - 08:46 AM

Inatasan ng Department of Foreign Affairs DFA) ang  Philippine Embassy sa Tehran na makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Iran hinggil sa kondisyon ng 18 Filipino seafarers na kabilang sa mga “hinuli” sa Gulf of Oman.

Magugunita na noong nakaraang Huwebes, kinumpiska ng Iran Navy ang oil tanker St. Nikolas, na patungo sa Aliaga, Turkey base sa impormasyon na kinubkob ito ng mga armadong lalaki.

Nabatid na may kargang 145,000 tonelada ng langis ang tanker at ito ay mula sa Basra, Iraq.

Sa 19 tripulante, 18 ang Filipino at isa ay Greek national.

Magugunita na noong nakaraang Nobyembre, 17 Filipino seafarers naman na sakay ng MV Galaxy Leader ang kabilang sa mga isinama ng Houthi naval forces sa kanilang pagdaan sa Red Sea.

 

TAGS: DFA, filipino, Iran, seafarers, DFA, filipino, Iran, seafarers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.