PAGASA nagbabala ng “record heat” ngayon 2024 dahil sa El Niño

By Jan Escosio January 10, 2024 - 10:37 AM

JAN ESCOSIO PHOTO

Nagbabala na ang  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaring mas mainit ang “warm o dry season” ngayon taon sa bansa dahil sa El Niño.

“May possibility din na yung tinatawag nating warm or dry season months – March, April, May – it could be one of the warmest years on record natin,” sabi niPAGASA Assistant Weather Services Chief and Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis.

Aniya tuwing may El Niño ay naitatala ang pinakamainit na temperatura.

Dagdag pa ni Solis maaring 13 hanggang 19 bagyo lamang ang pumasok sa bansa ngayon taon at maaring hanggang lima lamang sa unang bahagi ng 2024.

“May possible po na around 13 to 19 yung ating mga bagyo, may possible po na below average yung ating maginging bagyo sa ngayon ,” dagdag pa nito.

At ang panahon ng tag-ulan ay maaring magsimula sa ikatlong linggo ng Mayo hanggang unang dalawang linggo ng Hunyo.

 

TAGS: El Niño, Pagasa, warm, El Niño, Pagasa, warm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.