Taiwan, aksidenteng naitutok ang isang missile sa China
Aksidenteng naitutok ng Taiwanese Navy ang kanilang “aircraft carrier killer” na supersonic missile patungo sa direksyon ng China.
Sakto pa man ding ginugunita ng sa China ang ika-95 kaarawan ng Communist Party, araw ng Biyernes.
Tinamaan ng nasabing missile ang isang Taiwanese fishing boat na nasa katubigan na humihiwalay sa Taiwan at China.
Hindi naman sumabog ang missile, ngunit binutas nito ang bangka at nasawi ang isang Taiwanese na mangingisda.
Ang nasabing missile ay maling nailunsad mula sa 500-ton na Navy patro vessel habang isinasagawa ang pre-inspection sa southern Taiwan bago ang isang mock exercise.
Nilinaw naman ni Taiwan Defense Ministry spokesman Chen Chung-chi na wala itong kinalaman sa pulitika at lalong hindi nila intensyon na gumawa ng tensyon sa pagkakamaling ito.
Hindi na kasi maganda ang relasyon ng Taiwan sa China, dahil nais na nilang kumalas mula dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.