Jinggoy, Imee inalmahan P100 bayad sa pirma para sa Cha-cha

By Jan Escosio January 08, 2024 - 07:11 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hindi pinalagpas ni Senator Jinggoy Estrada ang napa-ulat na pagbabayad ng P100 sa bawat pipirma para sa isinusulong na People’s Initiative, na magiging daan para magkaroon ng Charter change o Cha-cha.

“It is unethical and illegal to solicit signatures of constituents to petition for Charter change moves in exchange for P100, in the guise of supposed people’s initiative. This practice clearly violates our laws and undermines the democratic process,” sabi pa ni Estrada.

Aniya ang people’s initiative ay karapatan na nakapaloob sa Saligang Batas at dapat nasusunod ng walang takot.

Dagdag pa ng senador na dapat ay matanggalan ng maskara ang mga nasa likod ng panunuhol at maimbestigahan.

Samantala, binatikos din ni Sen. Imee Marcos ang ulat na ibinahagi ng Albay Rep. Edcel Lagman.

Diin ni Marcos kailanman ay hindi ipinagbibili ang Saligang Batas.

Ibinunyag ni Lagman na naglabas ng pondo ang supermajority bloc sa Kamara at inatasan ang mga alkalde sa kanilang distrito na bigyan ng P100 ang bawat pipirma para sa pagkakaroon ng People’s initiative.

 

TAGS: Cha-Cha, Kamara, saligang batas, suhol, Cha-Cha, Kamara, saligang batas, suhol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.