Maaring hindi agad-agad makakapag-post sa kanila-kanilang social media accounts ang mga deboto na lalahok sa Traslacion bukas.
Ito ay kung matutuloy ang binabalak ng Manila Police District (MPD) na “signal jamming” habang isinagawa ang prusisyon ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni MPD Chief Col. Thomas Ibay maaring mawala ang communications signals ng lahat telecommunications companies para sa seguridad ng tinatayang dalawang milyong deboto na lalahok sa Traslacion.
Aniya nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa naturang plano.
Hindi nakapagbigay si Ibay ng oras ng pagbabalik ng signal dahil ito ay nakadepende sa “threat assessment” mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kayat aniya abisuhan na ng mga deboto ang kanilang kapamilya na maaring hindi sila matawagan mula simula ng prusisyon hanggang sa pagtatapos nito dahil sa kawalan ng signal sa kanilang cellphone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.