NGCP todo-kayod sa power restoration sa Panay

By Jan Escosio January 04, 2024 - 03:03 PM
Hanggang ngayon alas-2 ng hapon, nakakapag-suplay na ng 230 megaWatts ng kuryente mula sa mga planta ng kuryente sa Panay. Sa update mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dagdag pa dito ang 14.6MW na nakukuha mula sa ibat-ibang sources sa Visayas. “We reiterate that load restoration will be done conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure. NGCP is ready to transmit power once it is available,” ayon sa NGCP. Nangangailangan ang naturang grid sa Panay ng 300MW para sa “stable power supply” at hinihinatay na lamang ang pagbabalik sa grid ng PCPC, na maaring makapag-suplay ng 135MW. Nagkaroon ng malawakang pagkawala ng kuryente sa Panay sa pagbagsak ng mga planta ng kuryente noong Martes.

TAGS: Kuryente, ngcp, Panay, Kuryente, ngcp, Panay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.