2024 budget ng BuCor umangat sa P7.4B, P1B para sa Supermax facility

By Jan Escosio January 03, 2024 - 03:35 PM

BUCOR FB PHOTO

Ibinahagi ni Bureau of Corrections (BuCor) Gregorio Pio Catapang sa mga opisyal ng kagawaran na mula sa P6.1 bilyon ay umangat sa P7.4 bilyon ang kanilang pondo ngayon taon.

Sinabi pa ni Catapang sa New Year’s call ng kanyang mga opisyal na bukod pa sa naturang halaga ang P1 bilyon na magmumula sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa konstruksyon ng Supermax o mga pasilidad para sa mga nahatulan sa mga karumdal-dumal na krimen.

“Napakarami nating gagawin sa BuCor kaya sumakay na kayo kasi baka kayo maiwan,” biling ni Catapang sa kanyang mga opisyal.

Hinikayat niya ang mga opisyal na isimute na ang kanilang 2023 budget utilization and accountability report para madetermina na ang kanilang  physical and financial accomplishment.

Sinabi din ng opisyal na ang BuCor ay may 99.91% obligation rate at 99.95% disbursement rate.

Inatasan din ni Catapang si BuCor Deputy Director, Atty. Al Perreras na pulungin na ang  Program and Budgetting Advisory Committee para maisapinal ang kanilang 2024 Annual Procurement Plan.

Binanggit niya ang mga proyekto at programa na nais niyang maisakatuparan ngayon taon kabilan na ang pagkakaroon ng Table of Organization and Equipment para magkaroon ng “pyramidal chain of command” ang kagawaran.

Gayundin ang pagtatalaga ng  K9 sa lahat ng Operating Prison and Penal Farms (OPPFs) sa labas ng Metro Manila, ang paglalagay ng  CCTV systems sa lahat OPPFs para sa monitoring ng National headquarter, pagtatayo ng command and control center sa Director’s Quarter, pagbili ng mga heavy equipment at pagpapabilis ng pagpapa-titulo ng lahat ng mga lupain ng kagawaran.

 

 

TAGS: bucor, Budget, bucor, Budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.