92% ng Filipino positibo sa 2024 – Pulse Asia

By Jan Escosio December 22, 2023 - 02:17 PM

Mayorya ng mga Filipino ang umaasa na magiging maganda sa kanila ang susunod na taon, base sa resulta ng Pulse Asia survey.

“This is the prevailing sentiment in every geographic area and socio-economic grouping (84 percent to 95 percent and 90 percent to 92 percent, respectively),” ang pahayag ng Pulse Asia.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 3 hanggang 7 at ito ay may 1,200 respondents.

Nabatid na isang porsiyento lamang ang nagsabi na wala silang pag-asa sa 2024, samantalang pitong porsiyento naman ang may agam-agam pa sa magiging uri ng kanilang buhay.

Inilabas din ng Pulse Asia na 41 porsiyento ng mga Filipino ang umaasa na katulad ng masaganang Kapaskuhan noong nakaraang taon ang mararanasan nila sa pagtatapos ng 2023.

“This sentiment is echoed by sizeable pluralities to small majorities in Metro Manila (62 percent), the rest of Luzon (48 percent), Class D (41 percent), and Class E (34 percent),” ayon pa sa Pulse Asia.

TAGS: New Year, positive, New Year, positive

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.