Sandiganbayan humirit ng subpoena para sa graft case ni Sen JV Ejercito
Tatlong indibiduwal ang nais ng Sandiganbayan na tumestigo sa kasong katiwalian na kinahaharap ni Senator JV Ejercito.
Ito ay sina Eduvinia Mabulac, City Administrator ng San Juan; Sheila Anne Dalumpienes, ng Land Bank San Juan City Branch at Ombudsman Special Prosecutor Vernard Villarin.
Hiniling ng 5th division ng Anti Graft Court na makapagpalabas ng subpoena para sa tatlo at humarap ang mga ito sa unang hearing ng kaso ni Ejercito sa darating na Hulyo 18.
Ang kaso ni Ejercito ay may kaugnayan sa pagbili ng mahigit dalawang milyon pisong (2,000,000) halaga ng mga baril gamit ang calamity fund ng pamahalaang panglungsod noong si Ejercito pa ang alkalde ng San Juan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.