Pangulong Duterte at VP Leni Robredo, nagkaharap sa unang pagkakataon matapos manumpa

By Ruel Perez July 01, 2016 - 05:48 PM

len and digong for the first time inquirer dot net
Inquirer Photo

Nagkaharap sa unang pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte at VP Leni Robredo matapos manumpa kahapon bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas.

Sa isinagawang change of command ceremony sa Camp Aguinaldo, pabiro na binati ni Pangulong Duterte si VP Leni sa pagsasabing mas gusto sana niya na katabi ang pangalawang pangulo pero katabi nito si former Chief of Staff Pong Biazon.

Ginawaran si Pangulong Duterte ng full military honor kasabay ng change of command ceremony para kina OIC Acting AFP Chief of Staff Lt Gen Glorioso Miranda at ngayon ay AFP COS Lt Gen Ricardo Visaya.

Samantalang naimbitahan naman si VP Leni sa okasyon.

Nauna ng dumalo sa change of command ceremony si Pangulong Duterte sa Kampo Crame at kaagad nagsagawa ng command conference kasama ang bagong hepe ng pambansang pulisya na si Police Director General Ronald Bato dela Rosa.

 

TAGS: AFP, Change of Command, nagkaharap, Pangulong Duterte at VP Robredo, AFP, Change of Command, nagkaharap, Pangulong Duterte at VP Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.