P17 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat sa Sultan Kudarat
By Chona Yu December 19, 2023 - 03:14 PM
Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P17 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Sultan Kudarat, South Cotabato.
Ayon sa BOC, nakalagay ang kontrabando sa 454 master cases na naglalaman ng 22,700 reams ng ibat ibang brand ng sigarilyo.
Kinumpiska rin ng BOC ang bangka na ginamit sa pagdadala ng sigarilyo habang inaresto naman ang anim na indibidwal na sakay.
Nai-turn over na sa Naval Intelligence Security Group ang anim na suspek para masampahan ng kaukulang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.