Pangulong Marcos gagamit ng paradigm shift sa pagtugon sa isyu sa WPS
Paradigm shift ang gagamiting estratihiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtugon sa isyu sa West Philippine Sea lalo’t naging agresibo na ang China.
Ayon kay Pangulong Marcos, binabalewala na kasi ng China ang “traditional methods of diplomacy.”
Sa panayam ng Japanese media kay Pangulong Marcos, sinabi nito kailangang baguhin na ang estratihiya dahil hindi naman umuusad ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas para pigilan ang China sa mga ginagawa sa West Philippine Sea.
Katunaya, sinabi ni Pangulong Marcos na patungo sa isang “poor direction” ang kasalukuyang diplomatic efforts ng Pilipinas.
“Well, to this point, we have resorted to the traditional methods of diplomacy where, should there be an incident, we send note verbal. Our embassy will send a démarche to the Foreign Affairs (Ministry) office in Beijing, but we have been doing this for many years now, with very little progress,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We have to do something what we have not done before. We have to come up with a new concept, a new principle, a new idea so that we move, as I say, we move the needle the other way. It’s going up, let’s move the needle back, so that paradigm shift is something that we have to formulate,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Hindi aniya makaabante ang Pilipinas kung pananatilihin ang pagiging ma-diplomasya.
Tatlong hakbang legal na hakbang na aniya ang ginawa ng Pilipinas. Una ay ang paghahain ng diplomatic protest sa Chinese Ministry of Foreign Affairs, pangalawa ay ipinatawag si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at pangatlo ay ang paghahain ng demarche sa Chinese Ministry of Foreign Affairs officials para sitahin ang China Coast Guard (CCG).
Matatandaang binomba ng tubig o water cannon ng Chinese naval assets ang mga barko ng PCG habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kamakailan.
“We do not want to go the point where there are incidents that might cause an actual violent conflict. Maybe from a mistake or a misunderstanding and these things happen all the time,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“And so, we have, in my review, it’s time that the countries that feel that they have an involvement in this situation, we have to come up with a paradigm shift,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, maraming ideya na ang kanyang nabuo sa paggamit ng paradigm shift.
“We have to bring all of those ideas together and to change the direction that these incidents have taken us. We have to stop going that way. We’ve gone down the wrong road. We have to disengage and find ourselves a more peaceful road to go down,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We have, as I have said, the consensus that we must continue to promote peace, but we have to decide amongst ourselves what part each of us plays and what we can play, what we are willing to play,” sabi ni Pangulong Marcos
Nagtungo si Pangulong Marcos sa Japan para dumalo sa 50th anniversary ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Relations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.