Drilon naghain ng panukala para mabigyan ng emergency powers si Duterte
Naghain na ng panukalang batas sa Senado si Senator Franklin Drilon para mapagkalooban ng emergency powers ang Duterte administration.
Sa ilalim ng Transportation Crisis Act of 2016 ni Drilon, nais nitong mapagkalooban ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matinding problema sa traffic.
Layon ng panukalang batas na mabigyan ng laya ang administrasyon na mag-adopt ng alternative methods para sa pagtatayo ng mga infrastructures at sa pagbuo ng mga transportation projects ng pamahalaan.
Magugunitang bago pa ang pormal na pag-upo sa pwesto ni Duterte, ipinapanukala na ang pagbibigay sa kaniya ng emergency powers para matugunan ang malalang sitwasyon ng traffic lalo na sa Metro Manila.
Partikular na nagpanukala nito ay ang Management Association of the Philippines (MAP).
Ayon kay Eddie Yap, Committee Chairman ng MAP, mabilis lang naman sanang makapagtatayo ng mga karagdagang tulay sa Metro Manila na tatawid sa ilog pasig, gayundin ang paglalagay ng fabricated steel bridges sa mga intersections.
Pero magagawa aniya ito ng mabilis kung mapagkakalooban ng emergency powers si Duterte.
Wala naman kasi aniya sa budget ang pagdaragdag ng dalawang tulay kaya kinakailangan ng emergency power para ito ay mapaglaanan ng budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.