DepEd kontra na ibase ang suweldo ng mga guro sa laki ng klase
Tutol ang Department of Education (DepEd) sa panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na bigyang na karagdagang benepisyo ang mga guro na humahawak ng malalaking klase sa mga pampublikong paaralan.
“While large class sizes pose challenges, the proposal to provide additional pay to teachers handling large classes may not be the most viable solution,” sabi ni DepEd director Mario Bermudez.
Sa pagdinig sa Kamara, ikinatuwiran ni Bermudez na sa sitwasyon ngayon, maaring mas makakabuti aniya na ang “workload” ang maging basehan ng suiweldo ng mga guro at hindi ang laki ng klase.
Sinegundahan ito ni OFW Partylist Rep. Marissa Magsino sinabing ang pagbibigay ng karagdagang suweldo dahil sa laki ng klase ay maaring makalikha ng karagagdang problema para sa mga opisyal ng eskuwelahan.
Dagdag niya, maaring itong maging mitsa ng agawan ng mga guro sa mga klase na may mas maraming estudyante.
Nabatid na ang House Committee on Basic Education ay may dinidinig na panukalang-batas na maglilimita naman sa bilang ng mga mag-aaral sa isang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan.
Nakasaad sa panukala na dapat ay hanggang 35 lamang ang mag-aaral sa bawat klase.
Ang DepEd nais na mapanatili ang kasalukuyang mga limitasyon na 20 – 30 mag-aaral sa bawat klase sa kindergarten, 30 – 35 sa Grades 1 – 3; 40 – 50 sa Grades 4 – 10 at 40 sa senior high school.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.