P5.768B 2024 national budget lusot sa bicam meeting

By Jan Escosio December 11, 2023 - 12:46 PM

OSSA PHOTO

Limang minuto lamang ang kinailangan para maaprubahan na sa Bicameral Conference Committee ang proposed 2024 P5.768 billion national budget.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance at namumuno sa delegasyon ng Senado, na 16 probisyon sa 2024 General Appropriation Bill ang binago.

Kabilang ang pagdaragdag ng P2 bilyon sa pondo ng Philippine Coast Guard (PCG) at P8 bilyon hanggang p10 bilyon sa Department of National Defense.

Ito aniya ay para sa pagtugon sa mga banta ng terorismo at panggalagaan ang seguridad ng bansa, gayundin ang pagharap sa mga isyu kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi naman ni Rep. Elizaldy Co, chairman ng House Appropriations Committee, ang pambansang pondo sa susunod na taon ay tutugon din sa mga pangangailangan ng mga mahihirap, tulad ng pondo para sa pampublikong kalusugan at murang pabahay.

 

TAGS: Angara, Bicam, Budget, Congress, national, Senate, Angara, Bicam, Budget, Congress, national, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.