Mga pulis na sangkot sa droga, binigyan ng 48 oras ng bagong PNP chief para sumuko

July 01, 2016 - 11:24 AM

Inqurer photo / Julliane Love de Jesus
Inqurer photo / Julliane Love de Jesus

Binigyan ng 48-oras na ultimatum ni Philippine National Police (PNP) Director Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa illegal na droga para boluntaryong sumuko.

Sa kaniyang mensahe sa pormal na pag-upo bilang PNP chief, binigyan lang ni Dela Rosa ng dalawang pagpipilian ang mga pulis na sangkot sa droga – ang sumuko o maging full time drug lords na lang at makipag-giyera sa PNP.

Dagdag pa ng PNP chief, Binigyan ng 48-oras na ultimatum ni Philippine National Police (PNP) Director Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa illegal na droga para boluntaryong sumuko.

Sa kaniyang mensahe sa pormal na pag-upo bilang PNP chief, binigyan lang ni Dela Rosa ng dalawang pagpipilian ang mga pulis na sangkot sa droga – ang sumuko o maging full time drug lords na lang at makipag-giyera sa PNP.

Dagdag pa ng PNP chief, totoong dumating na ang pagbabago, at maging ang birthdate ng mga tiwaling pulis ay magbabago at magiging November 2 (All Soul’s Day).

“Change is really coming, including your birthday which will be change to November 2,” babala ni Dela Rosa sa mga tiwaling pulis.

Ani Dela Rosa, matinding operasyon ang kanilang gagawin sa mga pulis na scalawags lalo na sa mga alagad ng batas na ipinagyayabang pa ang pag-recycle nila ng mga shabu na nare-recover sa mga operasyon.

Aniya, magiging “ama” siya sa 160,000 na police force na magbibigay ng reward para sa mga tumutupad sa tungkulin at parusa sa mga sumusuway.

 

 

TAGS: Dela Rosa gave 48 hours ultimatum, Dela Rosa gave 48 hours ultimatum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.