Bangka ng limang mangingisda binangga ng bulk carrier vessel sa Occidental Mindoro

By Chona Yu December 07, 2023 - 07:28 AM

 

(Photo: PCG)

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang Filipinong mangingisda matapos banggain ng bulk carrier vessel na MV Tai Hang 8 ang sinasakyang nakahintong bangka na FBCA Ruel  J  sa karagatan malapit sa Paluan, Occidental Mindoro.

Ayon sa PCG, may nakalagay na flag ng China ang bulk carrier vessel na bumangga sa bangka ng mga Filipinong mangingisda.

Nakatanggap  ng ulat kahapon ng 12:00 ng tanghali, Disyembre 6 ang PCG na nagpapasaklolo ang mga mangingisda.

Nakahinto ang bangka ng limang mangingisda at nakakabit sa payao na isang fish aggregating device nang banggain ng MV Tai Hang 8.

Sa salaysay ng mga mangingisda, iniwan lamang sila sa karagatan at hindi sinaklolohan matapos banggain ng MV Tai Hang 8.

Hindi pa naman matukoy ng PCG kung anong nationality ang mga sakay ng MV Tai Hang 8.

Nasa maayos na kalagayan naman ang mga mangingisda at dinala na sa Pandan Island sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PCG kaugnay sa insidente.

TAGS: bangga, coast guard, news, Occidental Mindoro, Radyo Inquirer, bangga, coast guard, news, Occidental Mindoro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.