Agri chief Laurel ilalapít ang agrikultura sa mga kabataan

By Jan Escosio December 05, 2023 - 03:55 PM

PHOTO: Francisco Tiu Laurel Jr.
Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. — INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Ibinahagi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kanyáng plano na ilapít at gawíng kaakit-akit sa mga kabataan o bagong henerasyón ang agrikultura.

Sinabi itó ni Laurel sa pagharáp niyá sa Commission on Appointments (CA) para sa kanyáng ad interim appointment.

Aniya, tinitingnán niyá na hamon ang mga problema na bumabalot sa kagawarán at binabalak niyá na gawín ang kanyáng mga nagawâ ng halos 30 taon para mapalagô ang negosyo ng kanyáng pamilya.

“I shall apply these lessons to serve our larger family of the Filipino people. Mahalaga ang tamang pagbasa ng paligid.Awareness of what’s going on around us allows us to make quick, and sound decisions. For what’s happening on ground, kailangan ng constant communication sa ating mga magsasaka’t mangingisda. For the big picture, ibabalik natin ang pagkuha ng tamang datos at statistics. Nagbubunga ang tyaga,” ani Tiu-Laurel.

Mahalagá din aniya na natutugunán ng gobyerno sa tamang panahón ang mga pangangailangan ng mga magsasaká at mangingisdá sa usapín ng pagpapa-utang sa kanilá, teknolohiya, at kung saán nilá mailalakô ang kaniláng mga produkto.

Binabalak din niyá na humingî din ng tulong sa mga eksperto para mapalagô at mapagbuti pa ang sektor ng agrikultura.

“We will get the help of biologists, data scientists, and academics in dealing with avian flu, African swine fever, red-tide poisoning, as well as disease-resistant varieties, El Niño-adaptable seeds, and organic fertilizer. We will tap national and even international law enforcers in stopping food hoarders, price manipulators, and smugglers,” sabi pa ng kalihim.

Binanggít nitó na ang bilin sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay linisin ng mga tiwalî sa kagawaraán at mapataás ang produksyón ng mga pagkain.

“Malinaw ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos — bolster food production and modernize agriculture, which is a crucial pillar in building Bagong Pilipinas. Ang gusto niyá: May sapát, masustansya, at masaráp na pagkaing mabibilí sa tamang halagá ang ating mga kababayán. My vision for agriculture is to make it sustainable, profitable, and appealing to the younger generation,” sabi niLaurel.

Tinitingnan din raw niya na mapalagô ang livestock, poultry, fisheries, at high-value crops kasabáy ng pagpapataás ng produksyón ng bigás.

TAGS: laurel, news, Radyo Inquirer, laurel, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.