Marcos sa mga nakapasa sa Bar exams: Uphold integrity
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nakapasa sa 2023 Bar examinations.
Pakiusap ni Pangulong Marcos sa mga nakapasa, manindigan sa pagpapanatili sa integridad sa pinasok na propesyon.
“As you begin your unique paths, stand firm in upholding integrity and remain true to the reasons that called you to practice law,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Remain united in ensuring that every Filipino has the benefit of a fair and equitable justice system,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang inanunsyo ng Supreme Court na nasa 3,812 mula sa 10,387 examinees ang nakapasa sa 2023 Bar exams.
Ayon sa anunsyo ng Supreme Court, nangangahulugan ito ng 36.77 percent sa mga nakapasa.
Top 1 sa Bar exam si Ephraim Porciuncula Bie ng University of Santo Tomas na nakuha ng 89.2625.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.