JV: Mag-usap sina PBBM at VP Sara para sa “political ceasefire”
Dahil sa tila lumalaking lamat sa pagitan nina Pangulong Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte, sinabi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na makakabuti na makapag-usap ang dalawa.
Sabi ni Ejercito dapat ay lapitan ni Duterte si Pangulong Marcos Jr. upang sila ay magkalinawan.
Pahayag ito ng senador matapos lumabas ang video ni Duterte kung saan inihayag niya ang pagtutol sa pagbibigay ng amnestiya sa mga rebelde at ang pagsasabuhay ng usapang pangkapayapaan.
Dagdag pa ni Ejercito na kapag nagka-usap at nagkalinawan na ang dalawang pinakamataas na lider ng bansa ay matutuldukan na ang mga haka-haka na tuluyan nang naputol ang kanilang ugnayang-pulitikal.
Kasabay nito, nanawagan ang senador ng “political ceasefire” sa pagitan ng dalawang kampo.
Diin niya, napakaraming problema at isyu sa bansa na nangangailangan ng agarang solusyon at tugon sa pamamagitan ng pagkakaisa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.