BuCor chief Catapang suportado ang ang agri livelihood program sa PDLs

By Jan Escosio December 01, 2023 - 10:45 AM

 

Nagpahayag ng kanyang suporta si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang sa isinusulong na House Bill 3541, na ang layon ay magkaroon ng agricultural livelihood program para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa penal farms.

Sinabi ni Catapang na may katulad ng programa na ikinakasa sa Iwahig Prison and Penal Farm sa ilalim ng Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security ng Department of Agriculture at Department of Justice.

Ngunit, ayon sa opisyal, mas makakabuti kung mapapagtibay pa ang programa sa pamamagitan ng tulong ng lehislatura.Layon ng naturang panukala sa Kamara na na magkaroon ng kahalintulad na programa sa lahat ng penal colony sa bansa na may lupa na mapapagtaniman ng mga bilanggo para sa kanilang kabuhayan.

Ang panukala ay inihain nina Benguet Rep. Eric Go Yap at Davao City Rep. Paolo Duterte.Dagdag pa ni Catapang kapag may batas ukol sa programa, matitiyak ang seguridad sa pagkain ng mga bilanggo, maging ng mga residente sa paligid ng koloniya.

Kasabay nito, inanunsiyo ng DA na ang mga naitanim ng mga bilanggo sa IPPF ay malapit nang anihin.

TAGS: bucor, news, PDL, Radyo Inquirer, bucor, news, PDL, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.