Pangulong Marcos sa publiko: Gayahin ang kabayanihan ni Bonifacio

By Chona Yu November 30, 2023 - 12:13 PM

 

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na gayahin ang kabayanihang ipinamalas ni Gat Andres Bonifacio.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-160 kaarawan ni Bonifacio na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na si Bonifacio ay kagaya ng isang ordinaryong Filipino na nag-alay ng buhay para sa kanyang mga kababayan at sa Pilipinas.

“Inaanyayahan ko rin ang bawat isa na tularan ang kaniyang kabayanihan at pagmamahal sa bayan, at ipakita ang mga ito sa ating pang-araw-araw na gawain,” bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos.

“Sa diwa ng bayaning si Gat Andres Bonifacio, tayo’y tinatawag hindi lamang na ialay ang ating buhay para sa Inang Bayan, kundi pati na ang pagbuhos ng ating kahusayan, galing, tapang, at oras, upang ang bawat hakbang natin ay maging ilaw ng pag-asa at inspirasyon para sa ating mga kababayan,” saad ng Pangulo.

Sabi ni Pangulong Marcos na nakikita niya ang kabayanihan ni Bonifacio sa mga Filipinong manggagawa, medical workers, mga guro, pulis, military officers at mga overseas Filipino workers na nagbibigay ng karangalan sa buong mundo.

“Gaya nila, maaari nating Ipagpatuloy ang nasimulan ni Gat Andres Bonifacio, at tiyaking maipamamana natin sa mga kabataan ang tunay at wagas na pagmamahal sa bayan tulad ng kaniyang ipinamalas,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ang bawat isa sa atin ay may mahalagang tungkulin sa pagsulong ng Pilipinas. Lahat ay dapat makilahok sa mga gawaing magpapayaman ng ating kultura, magpapaunlad ng ekonomiya, at lipunan lalo na ngayong sinisikap nating maitaguyod ang isang Bagong Pilpinas,” sabi ni Pangulong Marcos.

Hiimok pa ni Pangulong Marcos ang publiko na pahalagahan at pangalagaan ang tinatamang Kalayaan ng bans ana ipinaglaban ni Bonifacio.

 

TAGS: Andres Bonifacio, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Andres Bonifacio, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.