Sa pamamagitan ng Stop Spam portal, naharang ng Globe ang 154,569 fraud-linked Subscriber Identification Module (SIM) mula noong Enero hanggang nitong Setyembre.
Nabatid na naobserbahan ng Globe ang biglang pagtaas sa bilang ng SIMs mula sa ibang networks na ginamit sa spam at scam activities.
Kabilang sa mga naharang ang 148,515 mula sa ibang networks na na-blacklist, at 6,054 Globe SIMs na na-deactivate.
Malaki ang itinaas nito mula sa kabuuang 35,558 blacklisted at deactivated SIMs sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Tumaas ang blacklisted SIMs – na kinabibilangan ng mga numero mula sa ibang networks– ngayong taon na may 148,515 hanggang noong katapusan ng September, mas mataas ng mahigit 667.8% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon sa 19,343.
Samantala, bumaba ang bilang ng Globe SIMs na na-deactivate dahil sa fraud links, mula 16,215 sa unang siyam na buwan ng 2022, sa 6,054 sa kaparehong panahon, na 62.66% pagbaba.
“With our proactive efforts via our Stop Spam portal bolstered by the SIM Registration Law, we were able to block a new record high in SIMs linked to fraud. Through collaboration and use of technology, we are gaining headway against these criminals,” sabi ni Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer at Globe.
Ang Globe ay nag-invest ng malaki sa state-of-the-art systems para sa pagtukoy at pagharang ng spam. Gumastos ito ng US$20 million sa Security Operations Center, na nagtatrabaho round-the-clock para salain ang unwanted messages, kabilang ang app-to-person at person-to-person SMS mula sa international at domestic sources.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.