Tatlong panukalang batas sa cybersecurity program, suportado ni Pangulong Marcos
Suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Digital Infrastructure Group na sertipikahang “priority legislation” ang tatlong panukalang batas sa Senado na nagsusulong ng Philippine Digital Transformation Framework.
Ito ay para mapalakas ang cybersecurity efforts ng pamahalaan.
Sabi ni Pangulong Marcos sa PSAC officials, pag-aaralan niya ang mga panukalang batas at titingnan kung papaano mapabibilis ang pagpasa nito.
“It looks like there is a great need for structural requirements in legislation. Let me work on the Cybersecurity Act, Anti-Mule and the Online Site Blocking Act. We will talk with the leadership of the Legislature and see how we can move along quickly,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Partikular na tinutukoy ng PSAC ang Cybersecurity Act ( Senate Bill No. 1365), Anti-Mule Act (Senate Bill No. 2039) at Online Site Blocking Act (Senate Bill Nos. 2150 and No. 2385).
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), malaking tulong para mapalakas ang cybersecurity resilience kapag naisabatas ang SB No. 1365, o Cybersecurity Act.
Ayon sa DICT, nasa ika-apat na puwesto ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamaraming cyberattacks kung saan nasa 3,000 cyber incidents ang naitala noong 2020 hanggang 2022.
Kalahati sa naturang bilang, ang mga tanggapan ng gobyerno ang nabiktima ng cyberattacks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.