Robredo, lubos na nagpasalamat sa mga taga-suporta

By Kathleen Betina Aenlle July 01, 2016 - 04:35 AM

 

Leni01Lubos na pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang kaniyang mga tagasuporta nang harapin niya ang mga ito sa kaniyang thanksgiving party sa Quezon Memorial Circle na ginanap gabi ng Huwebes.

Kasabay ng kaniyang pasasalamat ay sinabi niyang bukas ang kaniyang opisina sa Quezon City para sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa mga sumuporta sa kaniya na makamit ang kaniyang posisyon.

Inorganisa ng kampo ni Robredo ang nasabing thanksgiving party para sa mga taga-suporta niyang hindi nakapasok sa venue ng kaniyang pormal na inagurasyon sa Quezon City Executive House dahil sa limitadong espasyo.

Samantala nanawagan naman si Robredo sa mga taga-suporta niya na manatiling mapagkumbaba at huwag nang pumatol sa mga umaatake sa kaniya na balak siyang hilahin pababa.

Hinimok niya rin ang mga ito na bisitahin siya sa kaniyang opisina upang mapakinggan niya ang mga pangangailangan ng mga mamamayan, at personal niya silang mapasalamatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.