P1 milyong papremyo sa parol-making contest

By Chona Yu November 25, 2023 - 01:47 PM

 

Pangungunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong”” Marcos Jr., at First Lady Liza Marcos ang tradisyunal na pagpapailaw sa Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang mamayang gabi.

Kasama ng mag-asawang Marcos ang first family.

Kasabay ng pagpapailaw ng Christmas tree, mayroon ding parol-making contest na “Isang Bituin, Isang Mithiin”.

Nationwide ang contest na ito kung saan kalahok ang mga estudyante mula sa mga state colleges at universities (SUCs) at may temang “Traditions & Innovations”.

Nabatid na magbibigay ang Philippine Gaming and Amusement Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng P1 milyon  premyo para sa first price, P500,000 sa second price at P250,000 sa third prize. May kasamang laptop showcase at mobile phone showcase ang mga mananalo.

Tatanggap naman ang mga kalahok na SUCs ng photo at video editing package gaya ng camera, gimbal, laptop, at editing software.

May P100,000 naman na premyo para sa special price sa mananalo sa online poll.

Bukod dito, may all-expense paid trip sa Manila ang mga mananalo at may special tour sa Malacañang museums.

Sina Architect Conrad Onglao, Architect Mico Manalo, “King of Talk” Boy Abunda, Rev. Father Rahnilio Aquino, at international fashion icon Heart Evangelista-Escudero ang nagsilbing judge sa pa-contest.

Ito na ang ikalawang taon na pangungunahan ni Pangulong Marcos ang pagpapailaw sa Christmas tree sa Malakanyang.

Tampok sa mga celebrity mamaya si “King of Philippine Christmas Carols” Jose Mari Chan, Rita Daniela, at ang Coro de San Jacinto Chorale at Cagayan State University Chorale.

Layunin ng program ana maibida ang talento ng mga Filipino at ang mayamang kultura ng Pilipinas.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, parol, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., news, parol, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.