17,000 na bata bibigyan ng pamasko ni Pangulong Marcos

By Chona Yu November 25, 2023 - 12:17 PM

 

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang Nationwide Gift-Giving Day, “Balik Sigla, Bigay Saya” program sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang bukas, Nobyembre 26.

Ito na ang ikalawang taon na mamahagi ng regalo sa mga bata si Pangulong Marcos.

Ayon sa abiso ng Office of the President0Social Secretary’s Office, nasa 17,000 na bata mula sa mga piling shelters  at orphan care centers mula sa ibat ibang bahagi ng bansa ang magiging special guests sa gift giving.

Magsasagawa ng sabayang gift giving bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at President’s private support groups sa 250 lugar sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Nabatid na ang Cebu ang may pinakamalaking participating centers na aabot sa  449  na bata ang bibigyan ng pamasko sa Cebu Technological University at  University of Mindanao sa  Matina Campus sa Davao del Sur na may 600 na bata.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., gift-giving, orphanage, Pasko, Ferdinand Marcos Jr., gift-giving, orphanage, Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.