13 suspek dinampot dahil airport bombing sa Turkey

By Kathleen Betina Aenlle July 01, 2016 - 04:19 AM

 

IstanbulIkinulong ng mga otoridad ng Turkey ang 13 hinihinalang Islamic State jihadists dahil sa madugong pagpapasabog sa Istanbul airport kung saan aabot sa 42 ang idineklarang nasawi at mahigit 200 ang sugatan.

Nagsagawa na ng 16 raids ang mga Turkish police na nauwi sa pagkaka-aresto sa mga suspek kabilang na ang tatlong dayuhan.

Ayon sa isang opisyal, posibleng isa sa mga umatake sa paliparan ay isang dayuhan.

Ayon naman kay Interior Minister Efkhan Ala, nagsasagawa na sila ng seryoso at komprehensibong imbestigasyon upang matukoy kung sino ang responsable sa pag-atake at iba pang mga detalye.

Aniya, una nilang pinaghinalaan agad ang Daesh o ang Islamic State group, na kapareho rin ng hinala ni CIA director John Brennan, ngunit hindi pa sila nakatitiyak.

Base naman sa mga paunang imbestigasyon, napag-alaman na nakapasok ang mga suspek matapos nilang pagbabarilin ang mga tao sa entrance.

Ayon kay Prime Minister Binali Yildirim, bigo ang mga teroristang makalusot sa regular security system ng paliparan, kaya bumalik ang mga ito na may bitbit na mga long-rifles at saka pinaputukan ang mga tao.

Isa sa kanila ang pinasabog ang kaniyang sarili sa labas, habang sinamantala ng dalawang iba pa ang pagkataranta ng mga tao matapos silang magpaputok kaya sila nakapasok at saka pinasabog ang kanilang mga sarili.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.