Samahan ninyo akong harapin ang mga hamon–PRody

July 01, 2016 - 03:34 AM

 

Presidential Photographers Division

Aminado si President Rodrigo Duterte na nahaharap sa maraming paghamon ang kanyang pamumuno sa loob ng anim na taon ngunit umaasa itong sa pamamagitan ng pagtutulung-tulungan, maaabot nito ang pangarap na pagbabago sa buhay ng taumbayan.

Sa kanyang talumpati sa kanyang inagurasyon, sinabi ni Duterte na serysoso ito na tuparin ang kanyang mga naunang pangako sa mga Pilipino noong panahon ng kampanya na susugpuin ang kriminalidad sa bansa at droga.

Kasabay aniya ng adhikaing ito, ibabalik niya ang mga dati nang katangian ng mga Pinoy na tila nawawala na sa ngayon.

Kabilang dito aniya ang pagmamahal sa bansa at ang pagtulong sa mga kapwa partikular sa mga mahihirap at iba pa.

Ibabalik din niya aniya ang tiwala ng tao sa gobyerno at maging sa sistema ng hustisya sa bansa.

Nangako rin ito na buburahin ang pagkakawatak-watak at tutulong sa bawat Pilipino sa bawat rehiyon.

Si Pangulong Duterte ay nanumpa na sa kanyang tungkulin bilang ika-16 lider ng Pilipinas kahapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.