DepEd chief Sara Duterte kinondena ang pagpatay sa guro, mister sa Cotabato
Mariing kinondena ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagpatay sa isang guro at sa kanyang asawa sa Banisilan, Cotabato kahapon.
Sinabi ni Duterte na ang karahasan ay hindi lamang pag-atake sa mga biktima kundi sa kahalagahan ng edukasyon, respeto at komunidad.
“I extend my sincerest condolences to their family and loved ones, and join them in this time of grief,” ani Duterte sa inilabas na mensahe.
Kasabay nito ang kanyang panagawan sa mga awtoridad na agad kilalanin at arestuhin ang mga sarilin para mapanagot sa karumaldumal na krimen.
Pagtitiyak pa ni Duterte na paninindigan ng DepEd ang pangako na makapagbigay ng ligtas at mapagkalingang kapaligiran sa mga guro at mag-aaral para sa pag-aaral ng walang karahasan at takot.
Kinilala ang mga biktima na sina Angelie at Juanito Romaguero Jr. Agad namatay ang dalawa bunga ng mga tama ng bala sa kanilang katawan
Patungo ang mag-asawa sa Pantar Elementary School sakay ng tricycle nang pagbabarilin ng mga riding-in-tandem killers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.