CPP-NPA-NDF binigyan ng amnestiya ni Pangulong Marcos
Binigyan ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang miyembro ng rebeldeng grupo kasama na ang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Base sa Executive Order No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binigyan ni Pangulong Marcos ng amnestiya ang makakaliwang grupo para mahikayat na magbalik loob sa pamahalaan.
Kasama sa mga binigyan ng amnestiya ang Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade; Moro Islamic Liberation Front at Moro National liberation Front.
Inaamyendahan din ng EO ang Executive Order No. 125, series of 2021, o ang pagbubuo ng National Amnesty Commission (NAC).
Batay sa inilabas na kautusan sinabi ng Pangulo na wala nang pangangailangang baguhin o i update sa functions ng National Amnesty Commission para masakop ang bagong proseso sa pag a-apply para sa amnestiya batay na rin sa bagong proclamations.
Ang Commission ay binuo sa ilalim ng EO No. 125 kung saan ipagpapatuloy nito ang functions at idi- dissolved kapag nakumpleto na ang kanilang mandato o depende sa desisyon ng pangulo.
Hindi naman sakop sa proklamasyon ang mga rebelde na nakagawa ng kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, crimes committed against chastity.
Maging crimes committed for personal ends, paglabag Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Paglabag sa Geneva Convention of 1949, at genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba pang paglabag sa karapatang pantao
Hindi rin sakop ng amnestiya ang mga nahaharap sa kasong rebellion o insurrection; conspiracy and proposal to commit rebellion or insurrection; disloyalty of public officers or employees at iba pang mabibigat ng krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.