Pangulong Marcos nakiramay sa mga naulila sa 6.8 magnitude na lindol sa GenSan

By Chona Yu November 24, 2023 - 07:44 AM

 

Nakiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pamilyang naulila sa 6.8 magnitude na lindol sa General Santos City.

Pangako ni Pangulong Marcos, hindi sila pababayaan o aabandonahin ng pamahalaan sa gitna ng mga pagsubok na dala ng likas na kalamidad.

Patuloy aniya ang pagbibigay ng gobyerno ng mga kinakailangang tulong sa mga biktima ng lindol, kasama na rito ang pamamahagi ng mga hygiene kits, paghananap ng pansamantalang tirahan ng mga ito, at sapat na suplay ng tubig sa mga apektado ng pagyanig.

Hinimok din ng Presidente ang mga residente na huwag mag-atubiling ipaalam sa pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan.

Kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbisita sa Generaal santos City kahapon sina sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., at DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Samantala, tiniyak din ng Pangulo na magpapatuloy ang relief efforts ng gobyerno sa Northern Samar at Mindanao.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Gensan, lindol, news, Ferdinand Marcos Jr., Gensan, lindol, news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.