Rehabilitasyon sa Mindanao matapos ang 6.8 magnitude na lindol, pahirapan dahil sa aftershocks
Nahihirapan ang gobyerno na maumpisahan ang rebuilding sa mga nasirang istruktura matapos ang 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ito ay dahil sa patuloy pa ang mga aftershocks.
Personal na binisita ni Pangulong Marcos ang mga biktima ng lindol ngayong araw sa General Santos City.
“Pati ‘yung mga rebuilding, hindi pa natin puwedeng simulan dahil may aftershocks pa. Ang problema sa lindol, walang forecast – hindi natin alam kung ano ang mangyayari,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“But mayroon tayong – lahat ng assistance, pangangailangan ng mga inabutan, ‘yung mga nawalan ng bahay, yung mga mangingisda, yung mga injured – lahat ‘yan patuloy na magbibigay ang DSWD [Department of Social Welfare and Development] ng assistance,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Utos ni Pangulong Marcos sa ibat ibang tanggapan ng gobyerno, madaliin ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.
“Hanggang matapos, titignan natin … So, we will have to prioritize that in the recovery,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.