Driver ng SUV sa nag-viral na road rage sa Mandaluyong kakasuhan ng ride hailing company na Angkas
Kakasuhan ng Ride Hailing Company na Angkas ang driver ng SUV kaugnay sa naganap na road rage na nag-viral sa social media makaraang sadyang banggain ang kanilang isang motorcycle riding taxi dahilan para masugatan ang kanilang driver at sakay nito sa Mandaluyong City.
Ito ang sinabi ni Angkas CEO George Royeca makaraang mahuli ng mga pulis Mandaluyong ang driver ng SUV van na may Plate number NEM 7804 na si Pedro N. Magalit .
Una nang nag viral ang insidente na nakapost sa social media na nagpapakitang kusang binangga ng naturang SUV ang motorsiklo ng Angkas rider na nangyari kahapon, Nobyembre 22 ng umaga sa bahagi ng EDSA Santolan sa Mandaluyong City
Sa viral video nakitang binabaybay ng Angkas rider ang kahabaan ng EDSA Southbound nang bigla itong banggain ng kulay orange na Suzuki XL7 na may plakang NEM 7804 .
Sa video nakitang nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng rider at ng driver ng SUV hanggang sa banggain na niya ang Angkas Rider dahilan upang tumilapon ang rider at ang kaniyang pasahero.
Sinabi ni EPD Director Wilson Asueta na nasa kanilang custody na ang naturang SUV driver makaraang mahuli.
Anya inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.
Ang Angkas rider at pasahero nito ay patuloy na naka confine sa Mandaluyong City medical Center para magpagaling ng mga tinamong sugat kaugnay ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.