Number coding scheme, tuloy ngayong araw ayon sa MMDA

By Chona Yu November 22, 2023 - 07:03 AM

 

(Inquirer photo)

Tuloy ang imlementasyon ng number coding scheme ngayong araw.

Ito ay kahit na sasabayan ng grupong Manibela ang tigil pasada ng grupong Piston.

Ayon sa Metro Manila Development Authority, tuloy ang panghuhuli ng kanilang hanay sa mga sasakyan na lalabag sa number coding scheme.

Ipinatutupad ang number coding scheme simula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

Para sa mga sasakyan na nagtatapos ang plaka ng 1 at2 ay bawal bumiyahe ng araw ng Lunes, 3 at 4 sa Martes, 5 at 6 sa Miyerkules, 7 at 8  sa Huwebes at 9 at 0 sa Biyernes.

Sinimulan ng grupong PIston ang tatlong araw na tigil pasada noong Lunes habang simula naman ngayong araw ang tatlong araw na tigil pasada ng Manibela.

Tinutulan ng grupo ang phaseout sa mga tradisyunal na jeep.

Samantala, sinabi ng MMDA na nasa 686 na assets ang naka-standby ngayon at handang umalalay sa mga stranded na pasahero.

 

 

 

TAGS: news, number coding, Radyo Inquirer, news, number coding, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.