Joint maritime and air patrols ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea, umarangkada na

By Chona Yu November 21, 2023 - 04:18 PM

 

Sinimulan na ngayong araw ng Pilipinas at Amerika ang pagsasagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., magkasama na ngayong nagpapatrolya sa karagatan at himpapawid ng bansa  ang pwersa ng Armed forces of the Philippines at United States-Indo Pacific Command sa West Philippine Sea.

“Today marks the beginning of joint maritime and air patrols — a collaborative effort between the Armed Forces of the Philippines and the United States Indo-Pacific Command in the West Philippine Sea,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang Twitter account.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na patunay ito ng kanilang pangako ng Aamerika na palakasin ang interoperability  ng kani-kanilang pwersang mlitar sa pagsasagawa ng pagpapatrolya.

Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan nito, layunin nilang mapalakas ang regional security at makapaghubog ng tuloy-tuloy na partnership  sa pagbabantay ng parehong interes.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang joint patrols ay bahagi ng serye ng mga aktibidad  na kanilang napagkasunduan ng Mutual Defense Board-Security Engagement Board ng parehong bansa.

Kumpiyansa si Pangulogn Marcos na ang pagtutulungan na ito ay makapag-aambag ng mas ligtas at matatag na kapaligiran para sa mga Filipino.

Magpapatuloy ang joint maritime and air patrols hanggang Nobyembre 23 o araw ng Huwebes.

TAGS: Air, Amerika, Ferdinand Marcos Jr., patrol, West Philippine Sea, Air, Amerika, Ferdinand Marcos Jr., patrol, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.