Sumobra pa sa kanilang target ang nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakaraang buwan.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, nakakolekta sila ng P274.23 bilyon noong Oktubre at ito ay 8.6 porsiyento na mahigit pa sa kanilang tinarget na P252.77 billion.
Dagdag pa ni Lumagui higit na 47 porsiyentong mas mataas ang kanilang nakolekta kumpara sa P186.76 bilyong koleksyon noong Oktubre ng nakaraang taon.
Bunga aniya ito nang pinaigting nilang pagpapatupad ng mga batas ukol sa buwis, gayundin ng kanilang mga operasyon laban sa mga nagbebenta ng mga pekeng resibo.
Kasabay nito ang kanyang panawagan sa pagbabayad ng tamang buwis upang maabot o mahigitan pa ang kanilang koleksyon.
Una na rin pinuri ng Department of Finance (DOF) ang kawanihan dahil sa mga makasaysayang koleksyon sa buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.