Magsasagawa ng tatlong araw na tigil pasada ang grupong Manibela.
Ayon kay Mar Valbuena, presidente ng Manibela, isasagawa ang tigil pasada sa Nobyembre 22 hanggang 24.
Gagawin aniya ang tigil pasada sa buong bansa.
Paliwanag ni Valbuena, kaya magsasagawa ng tigil pasada ang kanilang hanay bilang pagtutol sa phaseout sa traditional jeepney na ayaw pagbigyan ng Department of Transportation.
Nasa 150,000 na units ng public utility vehicle ang inaasahang makikiisa sa tigil pasada.
Matatandaan na simula noong Lunes, nagsagawa ng tatlong araw na tigil pasada ang grupong Piston sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.