P1 milyong ayuda sa mga nasunugan, ipinamahagi ng NHA

By Chona Yu November 18, 2023 - 01:54 PM

 

Binigyan ng tig  P10,000 ayuda ng National Housing Authority ang 108 na pamilyang nasunugan sa Paco, Manila.

Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, nasa mahigit P1 milyong pondo ang inilaan sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP).

Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ang mga residente mula sa mga barangay ng Plainview, Barangka Drive, at Addition Hills.

Ayon kay Tai, ang pamamahagi ng ayuda ay pagtalima na rin s autos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mabigyan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa mga kalamidad tulad ng sunog, lindol, bagyo, pagguho ng lupa, at pagbaha.

Sinabi naman ni Cristy Medel, isa sa mga benepisyaryo mula Brgy. Addition Hills, ang ayuda ay napakalaking tulong sa muling pagbangon nila matapos matupok ng sunog ang kanilang mga tahanan.

“Dahil po nasunugan kami, kulang po ang budget namin pampagawa ng bahay kaya sobrang malaking tulong [ng EHAP] po ito. Kung wala po ito, wala rin po kaming pagkukunan ng pera. Maraming-maraming salamat po sa NHA at kay GM [NHA General  Manager Joeben] Tai dahil po natulungan ninyo kami,” pahayag ni Medel.

Samantala, binigyan-diin naman ni NHA West Sector Office Officer-in-Charge Ar. Daniel R. Cocjin, bilang kinatawan si NHA General Manager Joeben Tai, na nagsusumikap ang ahensiya na mapabilis ang pamamahagi ng emergency funds para sa mga apektadong pamilya.

“Ang NHA ay nagsusumikap matugunan ang ganitong mga sitwasyon, maibsan man lang ang kinakaharap na suliranin ng mga naapektuhan. Alam namin na hindi namin kayang ibalik lahat ng nawala (sa mga pamilyang apektado ng sakuna), lalo na ang buhay, pero handa at bukas ang ahensya sa ganitong mga distribusyon at responsibilidad,” saad ni West Sector OIC Cocjin.

Samantala, nakatakdang magsagawa ang ahensya, sa pangunguna ni Tai, ng distribusyon ng tulong pinansyal sa lalawigan ng Palawan ngayong darating na Disyembre.

TAGS: ayuda, National Housing Authority, news, Radyo Inquirer, sunog, ayuda, National Housing Authority, news, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.