Nasa 1,500 na kwalipikadong benepisyaryo mula sa District 3, 4, at 5 ng Quezon City ang nabigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng Social Welfare Assistance for Persons with Disability sa lungsod.
Sabi ni Belmonte, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱4,500 para sa 1st to 3rd Quarter ng taon na katumbas ng ₱500 kada buwan.
Pinapayuhan ang mga kwalipikadong benepisyaryo na makipag-ugnayan sa Persons with Disability Affairs Office.
Nasa 21,000 na gift packs ang ipinamahagi din ng lokal na pamahalaan sa PWDs, solo parents, tricycle drivers, LGBT at community volunteers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.