Mga kasambahay makatanggap ng 13th month pay

By Chona Yu November 16, 2023 - 04:24 PM

 

Makatatanggap ng 13th month pay ang mga kasambahay at mga nagtatrabaho sa pribadong sektor sa ilalim ng job order at contract of service.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, nakasaad sa Labor Law at Kasambahay Law na saklaw ng 13th month pay ang mga kasambahay.

Sabi ng opisyal, lahat ng mga manggagawa, contractual man,  rank and file, o sub contractor, basta nakapanilbihan na ng isang buwan ay may entitlement sa benepisyong ito .

Ayon kay Benavidez, ang 13th month pay ay  labor standard ng pamahalaan sa lahat ng mga manggagawa kahit ano  pa man ang kanilang  status  sa trabaho.

Ayon kay Benavidez, dapat maibigay ang 13th month pay bago sumapit ang Disyembre 24.

Nilinaw naman ni Benavidez na ang mga job order  at contract of service na mga kawani sa gobyerno ay hindi saklaw ng Presidential Decree 851.

Pero may ibang ahensiya aniya ng pamahalaan na may mga kawani na contractual  tulad ng  nasa mga agency gaya ng security guard o janitorial services ay saklaw ng nasabing batas at entitled sa 13th month pay.

Pag-amin ni Benavidez, walang parusa na ipapataw sa mga hindi magbibigay ng 13th month pay pero maaring pagpaliwanagin ng DOLE.

Una nang inilabas ng Department of Budget and Management ang P69.4 bilyong pondo para sa year-end bonus at cash gift ng manggagawa sa gobyerno.

Katumbas ito ng isang buwang sweldo habang ang cash gift ay nasa P5,000.

Sa naturang pondo, P45.3 bilyon ang inilaan para sa civilian personnel habang nasa P15.2 bilyon naman para sa uniform personnel.

 

TAGS: kasambahay, news, Radyo Inquirer, kasambahay, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.