Hontiveros tiwala sa pag-iimbestiga ng Ombudsman ang Philippine passport for sale modus
Kumpiyansa si Senator Risa Hontiveros sa isasagawang malalimang imbestigasyon sa nabuking na Philippine passport for sale modus sa mga banyaga.
“I trust that the Ombudsman will investigate this exhaustively and get to the bottom of the issue. Mukhang may mga ahensya ng gobyerno na kailangan maglinis ng bakuran kasi ang daming nagkakalat,” ani Hontiveros.
Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Women ukol sa mga krimen na iniuugnay sa POGO, nadiskubre na mabilis na nakakakuha ng government-issued IDs ang Chinese citizens.
Aniya ang mga naturang IDs naman ang kanilang ginagamit upang makakuha ng Philippine passport, sa halagang P500,000.
“Philippine passports are not for sale. No foreign national should treat this official document as mere commodity. This is an offense to our Filipino identity, our history, and our national dignity,” sambit pa ng senadora.
Dagdag pa nito, ito ay seryosong isyu ukol sa pambansang seguridad.
“Now that China is far from dialing down on her aggression in the West Philippine Sea, she may be taking advantage of our porous borders, our weakened institutions, and our own corrupt officials to advance her interests. Let us all remain vigilant. Huwag nating basta-basta papasukin ang mga dayuhang inaangkin ang sariling natin,” diin pa ni Hontiveros.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.