Asawa ng OFW nanalo ng house & lot sa OFW Summit ng Villar Foundation
Isang suwerteng maybahay ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang nanalo naman ngayon taon ng bagong Camella house and lot sa idinaos na 12th OFW Summit ng Villar Foundation.
Pinangunahan nina dating Senate President Manny Villar, Sen. Cynthia Villar, Sen. Mark Villar, Las Pinas Rep. Camille Villar at Paolo Villar ang summit na dinaluhan at sinalihan ng daan-daang libong OFWs at kanilang pamilya.
Dumalo din sina acting Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration chief Arnell Ignacio.
Naging tema ng pagtitipon ngayon taon ay “Masaganang Kabuhayan Para sa OFWs at Families.”
Kinilala ng pamilya Villar ang kahalagahan ng OFWs sa ekonomiya ng bansa, gayundin ang kanilang pagsisikap at sakripisyo para maitaguyod ang kanilang pamilya.
Pinayuhan sila na maging masinop sa kanilang kinikita sa pagta-trabaho sa ibang bansa at hinikayat na magsimula ng kanilang munting kabuhayan at palaguin ito.
Marami din sa mga dumalo ang nagwagi ng mga motorsiklo, Kabuhayan packages, appliances at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.