Bigtime price rollback sa krudo at kerosene nakikita sa Martes

By Jan Escosio November 10, 2023 - 01:16 PM

Posible ang bigtime price rollback sa darating na Martes sa diesel at kerosene.  Ito ang ibinahagi ni Dir. Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE).  Aniya maaring higit P0.50 sa kada litro ng gasolina ang mababawas.  Sa krudo o diesel naman ay maaring higit sa P2.50 ang matapyas sa bawat litro.  At hindi bababa sa P2 sa kada litro ng kerosene.  Ang serye nang pagbaba sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ang ugat ng pagbaba ng presyo ng mga produktong-petrolyo.  Ito naman ay dahil sa pagbaba ng pangangailangan ng langis sa maraming bansa. Ang pagbabago sa halaga ng mga produktong petrolyo ay nagaganap tuwing araw ng Martes.

TAGS: news, oil price, Radyo Inquirer, rollback, news, oil price, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.