(Photo courtesy: President Bongbong Marcos)
Nasa 56 Filipino na ang nakalabas sa Gaza.
Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakatutuwa na matanggap ang update na nadagdagan pa ang bilang ng mga Filipino ang nakaligtas sa gulo.
Una nang nakalabas sa Gaza at dumaan sa Rafah border patungo ng Egypt ang 42 Filipino.
“Happy to hear the update that 56 more Filipinos have left Gaza amid the Israel-Hamas conflict, joining the 42 who had previously crossed,” sabi ni Pangulong Marcos.
“This brings the total to 98 out of the 137 originally in Gaza, now en route to Cairo,” dagdag ng Pangulo.
Matatandaang apat na Filipino na ang nasawi sa gulo sa Israel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.